
Hawak na ng awtoridad ang driver na nag-viral online matapos na magpaikot-ikot, mambangga ng ilang kotse, at makasira ng ilang property sa Quezon City.
Kinilala ang driver na si alyas ‘Eddie’, 68-anyos, isang retiradong US Navy Serviceman na residente ng Makati City.
Ayon kay PLtCol. Jose Luis Aguirre, Hepe ng District Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente sa isang gas station sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, North Fairview kung saan una nang sinalpok ng suspek ang isang kotse dahilan para lapitan ito ng operatiba ng Fairview Police Station.
Ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla itong umatras at umabante upang mabangga muli ang kotse at tsaka nagpa-ikot-ikot dahilan para madamay rin ang ilan pang kotseng naka-park sa nasabing lugar.
Bukod sa kotse, nadamay rin sa ang pump island ng gas station.
Maswerteng wala namang nasugatan sa nasabing insidente.
Dahil dito, posibleng maharap sa reklamong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Damage to Propety ang kasong isasampa laban sa suspek.