Driver ng SUV na umararo sa mga sasakyan sa Malabon City, nakatakdang sumailalim sa inquest proceeding ngayong araw

1390

Nakatakdang sumailalim ngayong araw sa inquest proceding si Kim Russel Sioco ang driver ng suv na umararo sa mga sasakyan at nakapatay sa isang tulay sa Brgy. Concepcion, Malabon City.

Makikita sa kuha ng CCTV matapos madaplisan ang 2 kasalubong na kotse tinumbok na nito ang tricycle at sa lakas ng pagkakabangga ay halos madurog ang tricycle.

Dead on the spot ang babaeng sakay ng tricycle habang tumilapon sa ilog ang driver na kalaunan ay natagpuang patay.


Ayon kay PCPL Anthony Codog sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage property at paglabag sa R.A 10586 o anti-drunk /drugs driving law.

Sinabi ng imbestigador na nagpositibo sa alcohol breath analyzer si Kim Russel Sioco.

Sa facebook page ng suspek nabatid na galing siya sa party ng isang celebrity comedian at blogger na si Negi.



Sa presinto naglabas ng sama ng loob ang pamilya ng mga biktima at hindi pumayag sa inaalok na areglo.

Facebook Comments