Driver ng tricycle, tumakas matapos malaglag at mamatay ang kanyang pasahero sa Marikina City

Inaalam ngayon ng Marikina Police Station kung sino ang driver ng tricycle na kakasuhan ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide matapos na malaglag ang kaniyang pasahero sa Balagtas St., Brgy. Marikina Heights, Marikina City.

Kinilala ang nasawing pasahero na si Carlos Samaniego, 36 anyos.

Ayon sa mga nakasaksi na sina Rainer Magsanoc at John Michael, ang biktima ay nakasakay sa likuran ng tricycle na kulay dilaw na hindi naplakahan kasama ang kanyang mga kaibigan mula sa Gen. Ordonez, Street papuntang Apitong St. sa bahay ng isa sa mga pasahero ng tricycle. Pagsapit sa Balagtas St. Marikina Heights ay biglang nalaglag ang biktima at nabagok ang kanyang ulo sa semento.


Matapos ang naturang insidente, ang suspek na driver ng tricycle ay umalis para humingi umano ng tulong sa  Rescue 161 kung saan dinala ang biktima Amang Rodriguez Memorial Medical Center para malunasan subalit makalipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay ang biktima.

Pinaghahahanap na ng Marikina PNP ang driver ng tricycle para papanagutin sa naturang insidente.

Facebook Comments