Driver ng truck na responsable sa pagkamatay ng 2 babae, sumuko na sa Pasig City Police

270

Sumuko na sa Pasig City Police ang driver ng truck na responsable sa pagkamatay ng dalawang babae at pagkasugat ng dalawang lalaki.

Kinilala ang suspek na si Espanto Simplicio, 42 anyos at nakatira sa Cainta Rizal.


Ayon sa Pasig City Police, dakong ala-6 kagabi nang sumuko si Simplicio at magbigay ng pahayag.

Aminado naman ito na nahagip ng likurang bahagi ng truck ang harapan ng kotse subalit dahil sa takot ay nagpasya itong tumakas.

Naganap ang insidente pasado alas-2 kahapon ng madaling araw sa C-5 flyover northbound sa Barangay Ugong.

Lulan ng kulay orange Mitsubishi Mirage Sedan ang mga biktimang sina; Ayazeh Esgrina, Mary Ann Galit, Mal Abdul at driver na si Jesus Ilagan Canaleta Jr.



Pawang nakatira ang mga ito sa Concepcion Uno sa Marikina City.

Facebook Comments