Driver’s license at student permit ng mga edad 17-21 at 60-65 na napaso sa panahon ng quarantine restriction, valid hanggang Dec. 31

1558

Extended hanggang sa katapusan ng taon ang validity ng napasong lisensya ng mga driver at konduktor gayundin ang student permit ng mga nasa edad 17 hanggang 21 at 60 hanggang 65 na hindi pinapayagang makalabas ng kanilang tahanan dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang ipapataw na multa sa mga late renewal ng driver’s at conductor’s license na kabilang sa nabanggit na age group.


Pinalawig naman hanggang October 31 ang deadline sa pagpaparehistro ng mga motorsiklong may plakang nagtatapos sa 6,7 at 8 ng mga kabilang sa kaparehong age group.

Habang hanggang December 31 para sa mga may plakang nagtatapos sa 9 at 0.

Facebook Comments