Driving school at medical clinic sa Pampanga, tinanggalan ng accreditation ng LTO

Tinanggalan ng Land Transportation Office (LTO) ng accreditation ang isang medical clinic at driving school sa Pampanga.

Ito’y dahil sa iligal na pagsasagawa ng Theoretical Driving Course o TDC seminar.

Ayon sa LTO, pinatawan nila ng revocation order ang Vosh Medical Clinic at Seven C Driving School OPC na nagsagawa ng TDC at student permit caravan nang walang koordinasyon sa ahensiya.

Pinalabas umano ng mga ito na suportado ng LTO ang kanilang aktibidad na inadvertise pang “free TDC seminar,” pero naningil ang mga naturang establisyimento ng ₱600 hanggang ₱750 at nag-isyu ng medical at TDC certificates kahit walang aktuwal na seminar.

Facebook Comments