DRUG CASE | PACC, inirekomenda kay P-Duterte na suspendihin ang mga prosecutor na nagbasura ng kaso laban sa grupo ni Kerwin Espinosa

59

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ng 90 araw ang mga prosecutor na nagbasura sa drug cases nina Kerwin Espinosa, Peter Lim at ilan pang drug lords.

Ayon kay PACC Commissioner at Spokesman Greco Belgica, mahalagang suspendihin muna ang mga ito hangga’t wala pang pinal na desisyon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Maliban sa pagsuspendi, pinakakasuhan rin ng kasong administratibo sina Prosecutor Michael John Humarang, Senior Deputy State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon at acting Prosecutor General Jorge Catalan.

Dapat rin aniyang isalang sa lifestyle check si Former Associate State Prosecutor Aristotle Reyes na pumirma rin sa desisyon.

Facebook Comments