DRUG CASES | Mabilis na pag-usad ng drug cases, pinabibilisan ng Korte Suprema

84

Manila, Philippines – Mas magiging mabilis na ang pag-usad ngayon ng mga kasong kriminal sa trial courts.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng Korte Suprema ng revised guidelines on continuous trial in criminal cases.

Kinumpirma rin ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro na ang paglilitis sa drugs cases ay nireresolba na rin sa mga korte sa loob ng dalawa hanggang dalawa at kalahating buwan mula sa araw na isinampa ito sa lower court.

Sa ilalim aniya ito ng Speedy Trial Act na required naman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Kinumpirma rin ng Supreme Court (SC) na ginagamit na ngayon ang simplified na proseso sa pagresolba sa mga kasong kriminal.

Facebook Comments