DRUG CLEARED | Buong bayan ng Alimodian, Iloilo, ideneklara nang drug cleared municipality

20

Iloilo – Drug cleared na ang bayan ng Alimodian, Iloilo.

Ito ay matapos ideklarang drug cleared na ang 51 barangay ng naturang bayan.

Kasunod ito ng pagdeklarang drug cleared sa natirang siyam na mga barangay sa bayan ng Alimodian.

Kahapon nang ibigay ng pdea ang certificate sa siyam na barangay na kinabibilangan ng Bagumbayan-Ilajas, Cabacanan Proper, Cuyad, Pajo, Poblacion, Quinaspan, Sinamay, Taban-Manguining at Tabug.

Sa kabila nito, sinabi ni Mayor Gefree Alonsabe, na kanila pa ring ipagpapatuloy ang kampaniya kontra illegal na droga para hindi na makapasok muli sa bayan ng Alimodian.

Facebook Comments