Drug convict, patay nang pagbabarilin ng mga pulis

31

Nasawi ang isang preso sa Maximum Security Compound sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Barangay Talisayan, Zamboanga City kahapon matapos pagbabarilin ng mga pulis nang atakihin nito ang jail officer.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, ang nasawing drug convict ay si Ronald Apariso Natividad, 48 anyos, convicted sa kasong may kinalaman sa droga na nahatulan ng reclusion perpetua.


Sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Galugad operations ang prison authorities sa pangunguna ni Bureau of Corrections (BuCor) Inspector Ave Akilit nang bigla itong atakihin ni Natividad gamit ang foldable knife.

Dahil dito, agad nilang inalerto ang mga pulis na agad namang rumesponde sa pangunguna ni Police Major Orlyn Leyte.

Maging si Leyte ay inatake rin ni Natividad ng saksak pero nakailag kaya dito na siya pinagbabaril ng iba pang rumesponding pulis.

Naisugod pa ito sa medical section ng prison facility pero ideneklarang dead on arrival ng prison doctor.




Facebook Comments