Drug Den sa Bongo Island, 11 katao arestado!

63

Kalaboso ngayon sa Parang Municipal Police Station ang labing isang indibidwal sa ikinasang operasyon sa Brgy. Litayen, Bongo Island.
Sinasabing isinagawa ang operasyon matapos makaabot sa impormasyon ng PNP na tila lantaran na ang kalakaran ng droga sa nabanggit na lugar ayon pa kay Parang MPS Chief of Police Lt. Col. Ibrahim Jambiran.Nagsisilbi umanong Drug Den ang pamamahay ng mag-asawang Kutongan.
Kabilang sa naaresto si Norie Kutongan , 51 habang hindi patuloy na pinahahanap ang mister nitong si Uyag. Nakumpiska sa lugar ang 4 na sachet ng shabu.
Arestado naman ang mga parokyano ng mag-asawa na sina Ruben Kamdan, 55yo, Titing A. Panda, 37 Adones L. Kamdan, 38 , Gani Sumagka, 42, Alimudin Biruar, 42, Johnson P. Parcol, 24, Najar A. Amri, 37, Ansari C. Kusain, 28,Hamdi P. Mohammad,35 at Katingting Abang, 34, na mga residente ng nabanggit na brgy.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga naaresto.
PARANG MPS PIC

Facebook Comments