DRUG LAB | Raid ng PDEA sa Malabon, ikinagulat ng mga residente

Malabon City – Ikinabigla rin ng mga residente ng 3-11D Dela Cruz Street, Tinajeros, Malabon ang presensya ng shabu laboratory sa kanilang lugar.

Ayon sa mga residente sa lugar, kamakailan lamang umokopa sa gusali ang naarestong drug suspect pero hindi batid na illegal drugs ang pinagkaaabalahan ng mga ito.

Mga bulto-bultong chemicals, mga aparato at iba pang drug paraphernalia sa paggawa ng shabu na nasamsam sa isang tatlong palapag na gusali sa #15 Dela Cruz St., Barangay Tenajeros.


Arestado sa ginawang pagsalakay ng PDEA ang isang Chinese national na si Jiang Minshan at driver nito na si Lauro Santiago alyas Larry.

Si Jiang Minshan ay isa lamang sa maraming miyembro ng grupong Dragon Wu drug Syndicate na nag-ooperate sa bansa. .

Ang pagsalakay sa lutuan ng shabu sa Barangay Tenajeros ay karugtong pa rin ng ginawang operasyon ng PDEA sa isang shabu laboratory sa barangay Sto. Nino, Batangas kahapon.



Facebook Comments