Drug lord sa Sogod, Southern Leyte napatay ng mga kapulisan

Napatay ng mga kapulisan ang hinihinalang Drug lord sa Bayan ng Sogod, Southern Leyte sa isinagawang Buy bust operation ng mga operatiba kahapon sa Brgy. Salvacion.
Ayon sa Sogod PNP, ang nasabing Drug lord ay kinilala na si Gilbert Dagting, 37 anyos.
Matagal ng minamanmanan ng mga kapulisan ang suspek.
Nabili ng puseur buyer ng PNP mula kay Dagting ang isang maliit na pakete na hinihinalang shabu pero nakaramdam ang suspek na pulis ang bumibili sa kanya kaya bumunot daw ito ng baril pero naunahan na ito ng PNP.
I
tong si Dagting ay surrenderee ng Oplan Tokhang kung saan ang mga pulis ay kumakatok sa mga bahay para maki usap na huwag ng gumamit ng illegal na droga.
Pero ayon sa Sogod PNP, patuloy pa rin na nagbebenta ng shabu ang suspek.

Facebook Comments