Drug personality, nabaril ng otoridad sa ginawang buy bust operation

44

Cagayan De Oro, Philippines – Nabaril ng mga otoridad ang isang drug personality, matapos ang ginawang drug buy bust operation sa Corrales Street, Cagayan De Oro.

Nakilala ang suspek na si Clide Capinpuyan, 40 taong gulang.

Ayon kay Police Senior Inspector Rexel Torayno, ang deputy station commander for administration ng Agora Police Station, nabaril nila ang suspek sa likod matapos itong bumunot ng armas.

Narekober sa sasakyan ng suspek ang mga drug paraphernalias, at walong sachet ng shabu.

Maliban kay Capinpoyan, nahuli din sa loob ng sasakyan ang dalawa nitong kasamang lalaki.

DZXL558

Facebook Comments