Drug pusher, arestado ng QCPD sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City

194

Manila, Philippines – Arestado ang isang tulak ng droga sa pamamagitan ng search warrant na hawak ng Quezon City Police District sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Juddel Deliviar na residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga nakakakilala sa suspek, isang notoryus na drug pusher sa kanilang lugar si Juddel.


Narekober ng sa tahanan ng suspek ang mga baril, bala ng M23, sumpak at ilang drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek na hawak na ng mga kapulisan.

Facebook Comments