Drug pusher patay matapos makipagbarilan sa mga pulis Caloocan

Caloocan City – Patay ang isang caretaker na tinuturong tulak ng iligal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City.

Tadtad ng tama ng bala ang suspek na nakilalang si alyas Domeng, dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Ayon kay PCI Ronald Cayago , hepe ng PCP3 ng Bagong Silang Caloocan Pulis Station, ikinasa ang operasyon laban sa suspek matapos makatanggap ng tawag sa telepono na may nangyayaring lantarang pagbebenta ng shabu sa phase 8, Balwarte, Barangay 176.


Pagsapit sa lugar, agad nagtatakbo si Domeng na pumasok sa binabantayan bahay at pinaputukan ang mga pulis.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok at sa huli, tumba ang suspek.

Bukod sa mga hinihinalang shabu, nakuha din sa pag-iingat ni Domingo ang ginamit na .45 na baril.

Facebook Comments