Drug Queen na si Yu Yuk Lai, namatay matapos magpositibo sa COVID-19

68

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na pumanaw ang convicted Chinese-Filipino drug queen na si Yu Yuk Lai sa acute myocardial infarction.

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, nagpositibo si Yu sa COVID-19.


Nasa isang linggong naka-confine noon ang drug queen sa East Avenue Medical Center.

Matatandaang si Yu ay inaresto kasama ang kanyang pamangkin na si William Sy noong 1998 matapos magbenta ng tatlong kilo ng shabu sa buy bust operation.

Noong 2000, nabisto si Yu ng mga operatiba na naglalaro sa isang hotel-casino pero dapat ay naka-hospital arrest siya.

Facebook Comments