Drug suspect, arestado sa Oplan Tokhang sa Makati

231

Makati, Philippines – Arestado ang isang drug suspect sa oplan tokhang sa Kalayaan Street, corner South avenue, Barangay Olympia, Makati City.

Kinilala ang naaresto na si Manuel Aguirre, residente ng naturang barangay.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang maliit na sachet na naglalaman ng shabu at shabu paraphernalia.


Nakatakdang sampahan si Aguirre ng paglabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments