Drug suspect, patay matapos manlaban sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal

44

Dead on the spot ang isang lalaki kasunod ng ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal.

Kinilala lamang sa alyas na “Jeffrey Muslim” ang napatay na suspect.


Ayon sa Taytay Police, nakipagkita ang suspek sa Road 8 sa nabanggit na barangay para magbenta ng shabu.

Kasabay ng transaksyon, nakita ng suspect na tila may pulis sa paligid kaya’t agad itong nagpaputok ng baril.

Sa pagganti ng baril ng mga otoridad, tinamaan si Jeffrey pero nagawa pa rin nitong makatakbo.

Sinundan ng mga pulis ang bakas ng dugo hanggang sa natunton ng mga pulis ang bahay na pinasok ng suspect.

Dito muling nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa napatay na ang suspek.




Nakuha sa encounter scene ang nasa 200 grams na hinihinalang shabu, kalibre .45 na baril at mga basyo ng bala.

Tinatayang aabot sa ₱1.3 milyon na halaga ng shabu ang nasabat sa operasyon.

Facebook Comments