Drug suspect, patay matapos manlaban sa mga pulis

Manila, Philippines – Patay ang drug suspect na si alyas Julius matapos malaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa JP Rizal Extension Brgy. Cembo Makati City mag-aalas kwatro ngayong madaling araw.

Ayon kay Chief Insp. Libreto Buisan, ang Assistant Chief of Police for Operations ng Makati Police, bumili ang operatiba ng Makati Police Station Drug Enforcement Unit ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Nang nagkapakitan na ng illegal na droga at limangdaang piso, nakatunog ang target na marked money ang iniabot ng operatiba dahil may powder dust ito na ginagamit para makuha ang fingerprints ng katransaksyon.


Dito bumunot ng baril si alyas Julius at tumakbo sa eskinita.

Nagpaputok siya ng baril kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok.

Nakatakas naman ang kasamahan ng suspek dahil nakasakay sila sa motorsiklo nang dumating sa lugar.

Facebook Comments