Drug suspek, arestado matapos makuhanan ng mahigit ₱500k na hinihinalang shabu sa Mauban, Quezon

164

Nadakip ng mga tauhan ng Mauban Police ang big time drug pusher sa lalawigan ng Quezon matapos ang ikinasang buy bust operation kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Maria Cristina Romano na kabilang sa drug watchlist ng mga pulis.


Nahuli ang suspek sa kanyang tinutuluyan sa Barangay Lual Poblacion, Mauban, Quezon.

Nakuha sa kanya ang 2 pakete ng hinihinalang shabu na nabili ng pulis na nagpanggap na buyer.

Matapos nito, hinalughog ang kanyang tinutuluyan at sa paghahanap ng mga pulis ay nakakuha pa sila ng 18 pakete ng hinihinalang shabu.

Kaya aabot sa kabuuang 95 grams ng shabu ang nakuha sa suspek na may halagang mahigit kalahating milyong piso.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers