Drug suspek, patay sa engkwentro sa mga pulis sa Maynila; Sanggol, nadamay

Manila, Philippines – Patay ang drug suspect na si alias ‘Utak’ matapos manlaban sa operatiba ng MPD police station 10 sa Maynila.

Sugatan din ang isang anim na buwang gulang na sanggol matapos gawing panangga ng suspek laban sa mga pulis.

Nagsasagawa ng buy-bust operation ang mga kagawad ng MPD Station 10 sa Maaliwalas St., Cahilum Uno sa Pandacan laban kay alyas Utak pero nakatunog ito na pulis ang kanyang katransaksiyon.


Nang pasukin ng mga awtoridad ang kanyang bahay, agad itong nakalabas at pumasok sa tahanan ng kanilang kapitbahay.

Dito na nito kinuha ang bata at ginawang panangga bago nakipagbarilan sa mga alagad ng batas.

Nasawi sa operasyon si alyas Utak habang patuloy pa ring ginagamot sa ospital ang sanggol makaraang tamaan ng bala sa tiyan.
DZXL558

Facebook Comments