Drum na may lamang war materials, nahukay ng militar at pulisya

Nahukay ng pinag-isang pwersa ng 22nd Infantry Battalion at ng Philippine National Police (PNP) ang isang drum na may lamang mga gamit pampasabog sa Barangay Calmayon, Juban, Sorsogon noong Linggo.

Kasunod ito ng pagsuko ng isang miyembro ng komunista sa mga awtoridad na kinilala sa alyas na Ka Gohan.

Mismong si Ka Gohan ang nagturo sa pinagtataguan ng mga nasabing mga kagamitan na may lamang isang M-1 carbine, isang AR-9, isang KG-9, isang Molotov, mga bala para sa M16, nasa 10 metrong kable na gamit sa pampasabog, at iba pang medical paraphernalias.


Ang nasabing mga kagamitan ay agad naman na inalis ng awtoridad sa lugar upang mailayo sa kapahamakan ang mga residenteng malapit sa lugar.

Facebook Comments