DRUNK DRIVING CASE | Fil-am actor Lou Diamond Philips, naghain ng guilty plea

14

Manila, Philippines – Naghain ng guilty plea ang beteranong Fil-Am actor na si Lou Diamond Philips dahil sa kasong pagmamaneho ng lasing.

Dahil dito, bawal munang uminom ng alak at magpunta sa anumang bar si Philips bilang bahagi ng kanyang dalawang taong probation.

Matatandana na Nobyembre ng nakaraang taon nang maaresto si Philips sa Texas dahil sa drunk driving.

Required din siya ngayon na sumailaim sa progam para mabawasan ang pag-inom ng alak at kakabitan din siya ng device na magmo-monitor sa kanyang alcohol intake.

Facebook Comments