Dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City, pinalawig ng MMDA

Pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isa pang linggo ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Bunga nito, extended hanggang March 26 ang naturang dry run.

Ito ay sa halip na magtatapos sana ngayong linggo.


Layon nito na bigyang daan ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lubak sa Commonwealth.

Bukod dito, kailangan din ng karagdagang panahon para sa information drive sa naturang sistema.

Facebook Comments