DRY RUN | Soft opening ng Boracay, magsisimula na bukas

79

Aklan – Aarangkada na bukas, Oct. 15 ang dry run o soft opening ng isla ng Boracay.

Gagawing prayoridad sa dry run ang mga aklanon na siyang unang papayagang makapasok sa isla.

68 resort at hotel ang pinahintulutan ng Boracay inter-agency task force na makapag-operate.

Ininspeksyon naman ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga compliant establishments para ma-assess ang kanilang water treatment facilities.

Babala naman ng Dept. of Tourism (DOT) ang mga hotel at resort na huwag munang tumanggap ng mga booking hanggang hindi pa kumpleto ang kanilang mga requirements.

Magtatagal ang dry run hanggang Oct. 25.

Facebook Comments