DSWD-7, nagpadala ng karagdagang food packs sa Marawi City

Cebu City, Philippines – Karagdagang mga family food packs ang ipinadala ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas para sa mga pamilya na apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City .

Ayun sa information officer ng DSWD-7 na si Leah Quintana , maliban sa unang 10,000 family food packs na naipadala noong nakaraang linggo, dagdag na 10,000 na mga food packs ang sinimulang ipadala kahapon ng ahensiya patungo sa Cagayan de Oro City.

Ayun kay Quintana ang mga food packs ay magagamit ng mga apektadong residente sa loob ng 3 hanggang 6 na araw.
DZXL558, Khen Galinea


Facebook Comments