DSWD FO2 AT DRMD, PINAGTIBAY ANG PAGHAHATID SERBISYO

CAUAYAN CITY – Upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo lalo na tuwing may kalamidad, isinagawa ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng DSWD Field Office II ang kanilang unang Semester Performance Contract Checkpoint kasabay ng Psychosocial Support Processing at Team Building.

Tinalakay sa aktibidad ang mga naging tagumpay ng bawat seksyon, muling binalikan ang mga napagkasunduang hakbang sa 1st Quarter Meeting, at pinagtibay ang pagpapabuti sa performance ng mga tauhan.

Nagbahagi ng mga direktiba sina Regional Director Lucia Suyu-Alan at Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez para sa mas epektibong serbisyo.

Nagbigay rin ng teknikal na tulong si Ms. Llanisel Cuntapay tungkol sa bagong patakaran sa Individual Performance Commitment and Review Form (IPCRF), habang pinangunahan ni Ms. Estelle Bueno ang sesyon sa psychosocial support para sa kalusugang pang-isipan ng mga kawani.

Nagtapos ang programa sa isang team building activity na naglalayong patatagin ang samahan at pagtutulungan sa loob ng DRMD.

Facebook Comments