DSWD, may babala sa publiko tungkol sa pekeng account na naglalabas ng live stream para mapabilang sa educational assistance

Nagbabala ngayon ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa publiko hinggil sa pekeng TikTok account na nagpapanggap na opisyal na account ng ahensiya.

Ayon sa ulat ng DSWD, ang naturang TikTok account ay nagsasagawa pa ng ‘live’ streaming para linlangin ang publiko na magpalista sa umano’y educational assistance kapalit ng pagpapadala ng TikTok gifts.

Paliwanag ng DSWD, hindi kailanman manghihingi ng personal na impormasyon ang kanilang ahensya lalo na online.


Giit ng DSWD na mahigpit anilang ipinagbabawal ang ganitong gawain sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012.

Paalala ng DSWD sa publiko, iwasan ang pagtangkilik sa mga fake social media pages at huwag makipag-ugnayan o magbigay ng personal na impormasyon at bisitahin lamang ang kanilang mga opisyal na Facebook page.

Facebook Comments