DSWD, may paalala ngayong Valentine’s Day

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa araw ng mga puso, bukas – February 14.

Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova – maging mapanuri sa inyong mga makakasama at hangga’t maaari ay kilatising mabuti ang katagpo lalo na kung online lamang siya nakilala.

Para sa mga magulang na may anak na menor de edad, mainam na gabayan ng mabuti ang mga ito upang hindi magkaroon ng problema ang kanilang mga lakad.


Mas mainam aniyang maging alerto kaysa sa mauwi sa krimen o anumang karahasan ang simpleng date.

Facebook Comments