DSWD, nagpatupad ng preventive measures kontra COVID-2019

93

Nagpatupad na rin ang Department of Social Welfare ang Development (DSWD) ng preventive measures sa mga tanggapan nito sa central office alinsunod sa direktiba ng pamahalaan sa gitna ng banta ng COVID-2019.

Bago pumasok sa compound ng ahensya ay dadaan muna sa thermal scanning ang mga empleyado ang mga kababayan nating nais humingi ng tulong sa ahensya.


Ayon sa ahensya, ang ginawa ang naturang hakbangin upang mapanatili malusog at ligtas ang mga pumapasok at nagta-trabaho sa ahensya.

May mga ipapaskil rin na mga health advisories sa loob at labas ng DSWD compound upang bigyang paalala ang mga emplyado at mga kababayan natin na panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.

Facebook Comments