DSWD, nakatipid ng ₱10 billion sa 2020 budget; malaking bulto naman ng pondo ng ahensya sa 2021, mapupunta sa 4Ps

75

Aabot sa ₱10 billion ang natipid na halaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa taong 2020.

Sa budget deliberation sa plenaryo, sinabi ni Appropriations Vice Chairperson at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong na ginamit ang pondo na ayuda sa mga mahihirap na nangangailangan.

Mayroon pang ₱6.5 billion na natitira mula sa ₱10 billion pondo at ito ay ini-realign para gamitin sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Samantala, malaking bahagi naman ng kabuuang budget ng DSWD ay inilaan ng kagawaran sa kanilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa ₱171.22 billion na kabuuang budget ng ahensya sa 2021, ₱113.856 billion dito ay para sa 4Ps.

Mayroon pang natitira na humigit kumulang 350,000 na pamilya ang hindi pa nabibigyan ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa 14.3 million na pamilyang benepisyaryo dito.

Facebook Comments