DSWD, namamahagi na ng food packs sa mga naapektuhan ng Bagyong Agaton

66

Kasunod nang pananalasa ng Bagyong Agaton sa ilang bahagi ng bansa, inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektado nating mga kababayan.

Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao na nag-uumpisa na silang mamahagi ng food at non food items sa mga apektadong residente.

Sa pinakahuling datos ng DSWD, nasa mahigit 55,000 pamilya o katumbas ng mahigit 218,000 na indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Agaton mula sa 184 na barangay sa Regions 6, 7, 8, 9, 11 at Caraga.


Facebook Comments