
Patuloy ang paghahatid ng Family Food Packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan at pamilya na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at hanging habagat.
Aabot sa mahigit 2,000 na kahon ng family food packs ang naipamahagi ng mga personnel ng DSWD sa mga residente ng Orani, Bataan, partikular sa mga komunidad na nasa coastal areas noong Miyerkules, August 12.
Samantala, sa pinakahuling datos naman ng DSWD, aabit na sa mahigit 600,000 family food packs, mahigit 14,000 ready-to-eat food boxes at mahigit 6,000 non-food items ang naipamahagi sa nga lugar na naapektuhan ng mga Bagyong Maymay at Luis maging ng habagat.
Napakinabangan naman ito ng mga pamilya na nasa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at iba pang rehiyon.










