DTI, hinimok ang publiko na bumisita sa mga Negosyo Centers

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na bumisita sa mga Negosyo Centers sa bansa.

Ito ay para matulungan ang mga nais magsimula o palawakin ang kanilang negosyo.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya – mayroong 1,071 Negosyo Centers sa iba’t-ibang panig ng bansa.


Ang mga Negosyo Centers ay bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Tutulungan din ng DTI ang mga maliliit na entrepreneurs na maghain ng kanilang loan application para sa business expansion.

Facebook Comments