DTI ILOCOS SUR, NAGSAGAWA NG ASIN INDUSTRY PROFILING SA SANTA CRUZ

Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Ilocos Sur ng Industry Cluster Profiling Activity sa pamamagitan ng Negosyo Center Santa Cruz, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Cruz, upang higit pang mapatatag ang lokal na industriya ng asin sa lalawigan.

Layunin ng aktibidad na makabuo ng komprehensibo at updated na database ng mga stakeholder na magsisilbing gabay sa pagdisenyo ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng industriya, kabilang ang modernisasyon ng teknolohiya, pagsasanay, at pagpapalawak ng merkado.

Ayon sa DTI, makatutulong ang profiling activity upang matukoy ang mga hamon at oportunidad sa produksyon ng asin at mapalakas ang kabuhayan ng mga komunidad na umaasa rito.
Layon ng ahensya na lalo pang mapaunlad ang asin industry bilang isa sa mga pangunahing produktong pangkabuhayan ng bayan at ng buong Ilocos Sur.

Facebook Comments