DTI, itutuloy ang kaso laban sa Shopee

66

Itutuloy pa rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kaso laban sa Shopee Philippines kaugnay ng kontobersyal na Blackpink meet and greet promo.

Ito ay kahit nakipag-areglo na ang Shopee sa mga customer nilang at nangakong ibabalik ang mga ginastos nila sa naunsyaming panalo sa promo.


Ayon sa DTI, lumabag ang Shoppe sa Consumer Act matapos maglabas ng anunsyo na may 25 ang pagsusumite ng proof of purchase gayung June 1 ang orihinal na petsa.

Sa kabila nito, tiniyak ng Shopee na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DTI para sa agarang solusyon.

Facebook Comments

From Advertisers