DTI, maglalabas ng SRP ng Noche Buena items sa October o November

62

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na ilabas nila sa October o November ang suggested retail prices (SRP) ng Noche Buena items para sa Pasko.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, maglalabas ang ahensya ng Noche Buena bulletin sa huling linggo ng Oktubre o unang bahagi ng Nobyembre.

Aniya, layon nito na magabayan ang mga mamimili sa tamang presyo ng mga item para sa Noche Buena.


Dagdag pa ni Castelo, karamihan sa SRP ng mga produkto ng Noche Buena ay nananatiling hindi nagbabago at ang ilan pa sa mga ito ay bumaba ang presyo.

Kabilang na ang ham, keso, keso de bola, sandwich spread, mayonnaise, pasta noodles, spaghetti sauce at tomato sauce.

Kaya naman, payo ni Castelo sa mga mamimili na mag-imbak ng ilang mga item nang maaga habang mababa pa ang presyo.



Iminungkahi rin ni Castelo na suriin ang mga promo bundle ng ilang produkto upang makatipid.

Facebook Comments