DTI, mamamahagi ng 30 milyong washable face masks para sa mga biktima ng bagyo

Gumagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) ng 30 milyong washable face masks para sa mga biktima ng bagyo bilang bahagi ng hakbang laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, sinimulan na nila ang pamamahagi ng face masks sa tulong ng Office of Civil Defense (OCD).

Nakapamahagi na sila ng nasa 1.5 billion face maks sa buong bansa.


Samantala, patuloy ang pagbabantay ng Department of Health (DOH) sa sitwasyon sa mga evacuation centers para matiyak na nasusunod ang minimum health protocols sa gitna ng health crisis.

Facebook Comments