DTI, napuna ang mataas na presyo ng manok, isda at asukal sa ilang pamilihan

46

Tumaas ang presyo ng manok at ilang klase ng isda sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa mga tindera, apektado ng mainit na panahon ang bentahan ng isda at manok.

Asahan din daw ang P10 hanggang P20 na dagdag sa presyo sa mga susunod na araw dahil sa Semana Santa.

Pero giit ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, mababa ang farm-gate price ng manok kaya dapat mababa rin ang presyo nito sa merkado.

Facebook Comments