DTI PANGASINAN PROVINCIAL OFFICE, SARADO NG TATLONG ARAW PARA BIGYAN DAAN ANG TOTAL DISINFECTION

Pansamantalang isinara ang Department of Trade and Industry Pangasinan Provincial Office na nagsimula kahapon September 22 na magtatagal hanggang September 25, ito ay upang isagawa ang total disinfection sa naturang tanggapan upang mapigilan umano ang pagkalat ng COVID19 sa mismong opisina.

Kaugnay naman ng partially closure sa loob ng tatlong araw, ang lahat ng transaksyon ay maaaring ipadala o isagawa sa pamamagitan ng mga Negosyo Center ng DTI na pinakamalapit sa kada lugar ng mga indibidwal o negosyante na nangangailangan ng serbisyo.

Upang patuloy umano na maihatid ang serbisyo sa publiko habang ang karamihan sa mga tauhan ay naka work-from -home arrangement, panatilihin naman ng opisina ang skeletal workforce upang makasiguro na makapagbibigay serbisyo pa rin batay sa pangangailangan.


Pormal naman magbabalik ang operasyon nito sa Lunes, September 27.
Maaari naman umanong magtanong sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng kanilang DTI Pangasinan Facebook Page.

Facebook Comments