DTI R1, BINIGYANG DIIN ANG PAGIGING MAPANURI DAPAT NG MGA KONSYUMER LABAN SA ONLINE SCAM

Binigyang diin ng Department of Trade and Industry Region 1 na dapat mas maging mapanuri ang mga konsyumer sa pagbibili ng produkto sa mga online shops.

Ayon sa DTI R1, dapat umanong siguruhin ng mga konsyumer kung ang pinili bang online product sa isang online seller ay may contact number at mainam na may physical store.

Mahirap umano kasing ireklamo sa tanggapan ang mga bogus seller lalo kung wala naman umanong mahahabol sa mga ito dahil hindi rehistrado at walang pisikal na gusali sa mga produktong itinitinda.

Dapat umano na intindihin at tingnan ng mabuti ang mga nasa online lalo at malawak ang digitalization upang maiwasan ang mga online scamming.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panghihikayat ng DTI R1 na yakapin ang digitalization pagdating sa bagong pamamaraan ng kalakalan ngunit may kaakibat rin na responsibilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments