DTI, tiniyak na walang taas-presyo sa mga Christmas product

52

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-Pasko dahil sa umano’y mababang demand nito sa publiko.


Sa kabila nito, inaanyayahan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang publiko na mamili pa rin ng mga produkto para makatulong sa mga negosyo at ekonomiya ng bansa sa kabila ng pandemya.

Para masiguro namang walang pagsirit sa presyo, sinabi ni Lopez na maglalabas pa rin sila ng suggested retail prices sa mga Christmas product.

Facebook Comments