DUDA | Alejano, may pagdududa kung bubusisiin ni PRRD ang amnesty applications ng mga dating rebeldeng sundalo

658

Manila, Philippines – Duda si Magdalo Representative Gary Alejano na bubusisiin rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aplikasyon sa amnesty ng mga dating rebeldeng sundalo.

Ayon kay Alejano, tanging mga kritiko lang ng Administrasyong Duterte ang target ng proklamasyon.

Matatandaang itinalaga ng Pangulo si dating General Danilo Lim bilang MMDA Chairman at dating Captain Nicanor Faeldon bilang Deputy Administration ng Office of the Civil Defense (OCD).

Ginawa namang director ng Office for Transportation Security si dating Army Captain Gerardo Gambala habang nasa civil aviation si dating Captain Milo Maestrecampo.

Pero giit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, mapapawalang bisa rin ang amnesty ng mga dating redeldeng sundalo kung makikitaan sila ng mga paglabag.

Facebook Comments