DUE DATE | Ellen Adarna, posibleng manganak anumang araw

163

Manila, Philippines – Posibleng daw na manganak anumang araw ang sexy actress na si Ellen Adarna.

Naging usap-usapan ang nasabing chika matapos na maghain ng reschedule ang kampo ni Ellen sa kinakaharap nitong kasong child abuse at cyber libel na isinampa ng magulang ng teenager na si Eleila Santos na inakusan ng aktres na paparazzi.

Matatandaan na mismong ang actor na si John Lloyd Cruz ang dumalo imbes na si ellen sa isinagawang preliminary investigation kung saan inilipat ito sa June 25.

Pero humirit daw ang abogado ng actress at sinabing manganganak na ang kaniyang kliyente anumang araw.

Pinagbigyan naman ng Pasig Prosecutors Office ang nasabing mosyon.

Magugunitang sinampahan ng kaso ang actress dahil sa pag-akusa sa menor de edad na nag-video sa kaniya habang sila ay nasa isang ramen house sa Makati.

Facebook Comments