DUMALAW | PRRD, binisita ang puntod ng kanyang mga magulang

54

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City.

Dumating ang Pangulo sa Roman Catholic Cemetery bandang alas-10 ng gabi.

Mahigpit ang seguridad sa paligid ng sementeryo at hindi muling pinayagan ang media na makapasok sa loob.

Sa mga larawang ibinahagi ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go, makikita ang Pangulo sa museleo ng kanyang mga magulang na nagtagal lang ng 30 minuto.

Hindi naman nasayang ang paghihintay ng mga tao dahil binigyan ang mga ito ng bigas at canned goods na ginagawa na ng Pangulo kada taon.

Matapos nito, agad ring umuwi si Duterte na galing pa ng Isabela kung saan binisita niya ang mga naapektuhan ng bagyong Rosita.

Facebook Comments