DUMEPENSA | Alex Gonzaga, ipinagtanggol ang ate nitong si Toni Gonzaga

237

Manila, Philippines – Naging palaban ang TV Host / actress na si Alex Gonzaga nang ipagtanggol ang nakakatandang kapatid na si Toni Gonzaga sa ilang negatibong komento mula sa netizens.

Sa video na ipinost ni Alex sa kanyang Youtube Channel, sinagot nila ni Toni ang ilang mean at harsh comments mula sa netizens kung saan sinabihan ang kaniyang ate na “duling” at “suplada”.

Nagbiro pa si Alex saka sinabing nagpakonsulta na daw si Toni sa ophthalmologist at talagang hindi daw siya duling.

Sinagot din ni Alex ang paratangan ng isang netizen na may attitude problem daw ang kaniyang ate dahil hindi raw ito marunong ngumiti nang makitang bumibili sa isang branch ng fast-food chain.

Say ni Alex, ang ate niya ang isa sa pinakamabuti ang puso at hindi raw sila lumaking laging nasa limelight kaya at hindi nila nakamulatan ang pagiging aware sa sasabihin ng mga tao kapag sila ay nasa labas.
Sinabi naman ni Toni na bilib siya sa mga taong laging nakangiti at aminado siya na pinapraktis niya rin ito kapag nasa labas.

Facebook Comments

From Advertisers