DUMEPENSA | Meg Imperial, itinanggi ang isyung binully niya si Roxanne Barcelo

100

Manila, Philippines – Walang pambu-bully na nangyari.

Ito ang iginiit ngayon ng actress na si Meg Imperial sa lumabas na balitang binully daw nito ang kapwa actress na si Roxanne Barcelo.

Sinasabing nag-ugat daw ang pambu-bully kay Roxanne sa shooting ng pinagbibidahan nilang pelikula na kinunan pa sa Bicol.

Pero say ni Meg, nagkaroon lang daw ng misunderstanding kung saan pinalaki at naging exaggerated na ang istorya sa pagitan nila ni Roxanne.

Sa huli sinabi ni Meg, na naging maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t-isa at masaya sila na natapos nila ang pelikula.

Facebook Comments