DUMEPENSA | Pauleen Luna, bumuwelta sa isang netizen na gumagawa ng maling istorya sa kanila ni Pia Guanio

176

Manila, Philippines – Bumuwelta ngayon ang TV host / actress na si Pauleen Luna sa isang netizen matapos itong mag-post ng malisosyong komento hinggil sa pagsabi nito kay Pia Guanio na isang morena.

Say ng netizen, dapat daw ay magdahan-dahan si Pauleen sa pagsasabing morena si Pia kung saan hindi din naman daw siya dating maputi.


Dagdag pa ng netizen, dapat daw laging humble at nag-iisip si poleng bago magsalita tulad ni Pia na natural at classy.

Bwelta naman ni Pauleen, huwag daw gumawa ng istorya ang netizen na ito dahil biruan lamang daw ang kanilang naging pahayag sa opening ng noontime show.

Hindi din niya ipinagkakaila ang dating niyang kulay at proud din siya sa mga babaeng morena dahil ito daw ang natural na ganda.

Facebook Comments