DUMEPENSA | PRRD, itinangging gobyerno ang nasa likod ng pagpaslang kay Benjamin Ramos

210

Manila, Philippines – Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang gobyerno ang nasa likod ng pagpaslang sa human rights lawyer at aktibistang si Atty. Benjamin Ramos.

Ito ang iginiit ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa Boracay kasunod ng alegasyon na PNP ang nasa likod ng pagpatay kay Ramos.

Si Ramos ang abugado ng siyam na magsasaka na napatay sa Sagay, Negors Occidental.

Kasabay nito, nagbanta ang Pangulo sa mga komunista na pwersahang umuukopa sa mga lupa.

Facebook Comments